Buhay ni isabelo sobrevega biography

  • buhay ni isabelo sobrevega biography
  • Talambuhay ni Isabelo de los Reyes

    Sa paggamit ni Isabelo de los Reyes ng talino upang ipagtanggol ang Pilipinas laban sa mga awtoridad na Kastila at Amerikano ay naging tinig siya ng bayan laban sa kawalang katarungan ng mga dayuhan.

    Si Isabelo ay isinilang noong Hulyo 7, 1864 sa Vigan, Ilocos Sur. Ama niya si Elias de los Reyes at ina naman niya si Leona Florentino.

    Lumaki siya sa pangangalaga ng mayaman nilang kamag-anak na si Don Mena Crisologo.

    Una siyang nag-aral sa Vigan Seminary. Namasukan siya upang pag-aralin ang sarili sa Letran kung saan tinapos niya ang Bachelor of Arts na may pinakamataas na markang sobresaliente. Tinapos niya ang abugasya sa Unibersidad ng Santo Tomas sa gulang na 22. Sapagkat batang-bata pa, hindi siya pinayagang manilbihan bilang abugado kaya pamamahayag ang hinarap niya.

    Siya ay nagpalimbag ng mga aklat na Historia de Ilocos, Folklore Filipino at Las Islas Visayas en la epoca de la Conquista. Bilang propagandista, sumulat siya sa Diario Manila